Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. 3D & Motion Graphics
  2. Adobe After Effects
Cgi

Paano Makamit ang Makatotohanang Kinang sa After Effects Gamit Ang Deep Glow

by
Difficulty:BeginnerLength:QuickLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Deep Glow Preset

Ang Deep Glow ay isang After Effects preset na maaaring mabili mula sa Videohive.net.

Pinapadali nito ang paglikha ng makatotohanang kinang na lighting at falloff. Maaari mong magamit ang preset sa teksto, sa mga logos, mga footage, at kahit na sa mga 3rd party na plug-ins. Kadalasan, ginagamit ko ang preset sa isang adjustment layer sa ibabaw ng mga layers na gusto kong pakinangin para sa mga pinakamagandang resulta.

Normal and Deep Glow compared
Ang paghahambing sa Normal at Deep Glow

Iminumungkahi rin na gamitin ang preset kasama ang isang high bit depth (16 o 32) at kasama ang isang linear na workspace, upang makakuha ng mas makatotohanang light falloff. Maaari mong gawin ang mga adjustments na ito sa Project Settings sa After Effects

Kahit na hindi mo ito kailangang gawin, mas may dating ang mga resultang makukuha mo kung gagawin mo ito. Kapag gumagawa ako sa isang linear workspace, mas gusto ko ang HDTV (Rec. 709) na working space na may naka-check na Linearize.

Project Settings
Mga setting ng proyekto

Mga Tips at mga Tricks

Para mas makakuha ng higit pa mula sa Deep Glow nap reset, maglagay ng isang adjustment layer sa ibabaw ng lahat sa composition, at i-apply ang Noise effect.

Itakda ang Noise level sa 1% o 2%, tutulungan nitong maiwasan ang color banding kapag ang video ay compressed at inupload online.

Isa pa, inirerekumenda kong pagexperimentuhan ang expressions, gaya ng Wiggle, sa sari-saring preset controller settings. Makakatulong itong gumawa ng isang simpleng neon-effect sa mga layers.

Deep Glow
Deep Glow

Binanggit sa Pagtuturong Ito

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.