Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. 3D & Motion Graphics
  2. Roundups
Cgi

50 sa mga Nangungunang After Effects Project Files

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Lubos naming ipinagmamalaki na ang kaakibat naming pook komersyong VideoHive ay ngayo’y ang pinakatanyag na barakahan ng After Effects sa buong mundo (sa sukatan ng paggamit ng mga users, ayon sa pagraranggo ng Alexa). Ang pag-unlad nito sa loob ng nakalipas na taon ay lubos na kahanga-hanga, at ito’y buong salamat sa patuloy na pagsikat ng kategoryang After Effects Project Files. Maging ikaw ma’y naghahanap ng isang madaling tatrabahuhin, isang file na gagawin, o kung anong magagarang effects na kokopyahin, mayroon kaming *sangkatutak* na nakakabilib na AE contributors na nagbebenta ng mga kamangha-manghang files. Ngayon, tinatanghal namin ang ilan sa mga pinakamahuhusay na files mula sa aming pook komersyo dito sa Tuts+, kaya’t huwag na nating patagalin pa, narito ang aming seleksyon ng mga pinakamahuhusay na files!


Espektro

Isang sadyang mahusay na sequence na nananaig sa inyong musika. Karamihan sa mga elemento ng sequence nito ay kontrolado ng kung anong musika ang idagdag mo sa iyong proyekto.


Shooting Logo

Para sa panimula ng iyong logo, kailangan mo lamang ay ipasok ang logo. Maaari kang gumamit ng kahit anong pagkakahabi, metal man o wall, o kung ano ang iyong nais.


Ang Urban Destruct

Nakatakda sa mundong hinaharap, isang tunay na napapasadya at nabubulok na kalunsurang nasa 3D na may nakatanghal na makinang bakal at mga titulong sumusuray sa isang tipak ng kongkreto mula sa mga mecca droids sa himpapawid. Ito’y isang mundong nakakatakot, ito ang Urban Destruct.


Smoke Titles

Smokey title sequence. Napakainam para sa mga trailers, promosyon, o anumang bagay na nangangailangan ng pulido ngunit kapanapanabik at mapanindig-balahibong title sequence.


Ang propesiya

Ang propesiya ay maaliwalas at hay-tek, may haba na 35 segundo, 1080 HD file. Ang zip ay naglalaman ng nababagong PSD files na kailangan mo lamang ay buksan, baguhin, i-save at ilulan muli. Naglalaman din ito ng help file na nagpapaliwanag kung paano agarang mababago ang file.


Logo Transforming

Sopistikadong animation o pagbabagong-anyo ng iyong logo. Ipasok lamang ang iyong logo.


Flashy Logo Reveal

Isang progresibo, mahusay at kahali-halinang pangunahing animation ng logo. Ang sisidlan ng logo ay madaling baguhin ayon sa kagustuhan ng isang kumpanya.


Energy Wipes

Ito ay isang lubos na progresibo at kahika-hikayat na pagtatanghal gawa sa After Effects CS3.


ElegantWAVE Logo

Ipakita ang iyong logo, ang iyong text message sa makabago, elegante at pusturiyosong pambungad/pangwakas. Ang proyektong ito ay hinanda gamit ang FullHD 1920×1080 and HD1280×720. Piliin lamang ang resolusyon na kailangan mo at gawin. Ang ElegantWave ay isang magandang pambungad para sa mga trailer promos, produksyon ng videos, pagtatanghal, pagtatampok ng produkto, portpolyo at marami pang iba.


Logo Strings at Particles Animation

Narito ang isang pangunahing animation ng logo gawa gamit ang After Effects CS3 na gumagana rin sa CS4. Ito ay angkop para sa anumang panimulang video o animation ng identity logo.


Glide

Higit sa isang minuto ng pusturiyoso, mabini at masalaming animation ng iyong mga imahe, videos, mensahe at logos – kasama ng 3D camera ‘follow and fly-by’ sa huli.


Ang “Top of the Town”

Ang “Top of the Town” ay isang masikot na 3D animation gamit ang sa After Effects CS3 sa HD(1280×720)


Requiem

Isa pang mahusay na animation na puno ng potensyal, gamit, variable title at footage animations. Malaking tulong ito para sa iyong website o pagtatanghal sa opisina.


Ang Vermillion

Ang proyektong ito ay nagtatampok ng malinis at progresibong sequence na perpekto sa pagpapakita ng iyong propesyonalismo. Dahil may hustong kakayahan para sa text at media, ang Vermillion ay isang kumpletong plataporma para sa motion graphics.


Typograph

Isang progresibo at nakikibagay na tipograpikong proyektong After Effects.


Ang LogoBox 1

Ang LogoBox1 ay isang proyektong ginawa bilang isang template para sa mga baguhan o beteranong motion graphic artists. Ang LogoBox1 ay napakadaling baguhin at i-ayon sa kagustuhan.


Ang “Event Horizon”

Ang “Event Horizon” ay isang pangkaraniwang template sa pagtatanghal na walang partikular na tema. Maaari itong gamitin sa kahit anong uri ng pagtatanghal. Ito ay naglalaman ng 12 footage placeholders, 4 pangunahing text placeholders, isang logo at isang website placeholder. Mga larawan ay hindi kasama sa preview.


Ang Sketch

Ang Sketch ay ang aking pinakahuling nilikhang gamit na gumagana sa After Effects CS3 at CS4. Isang gamit na dapat parte ng iyong arsenal pang After Effects. Binibigyan nito ang iyong footage ng isang swabe, tila ginuhit na istilong animation.


Space Opener

Isang kahanga-hangang pambungad sa proyekto na handa sa pag-render. Idadag lamang ang iyong logo at text (maaari mong baguhin ang kulay ng pambungad).


I-Light Scribble Intro

I-light scribe and iyong logo, ang iyong text message sa makabago, elegante at pusturiyosong pambungad/pangwakas.


Concept Particle

Ang proyektong ito ay hindi gumagamit ng kahit anong uri ng pre-renderer. Lahat ng mga bahagi nito ay ginawan ng animation sa After Effects.


Tritone Business Template

Isa pang kapaki-pakinabang  na proyekto na makapagpapakilala sa iyong kumpanya. Ang proyektong ito ay aangkop sa kahit anong uri ng gawain. Ito ay sadyang ginawang payak, elegante at progresibo.


Media Wall

Ito ay isang imahe na nasa 3D o tanghalan ng pelikula. Ang file na ito ay madaling i-ayon sa kagustuhan, salamat sa madaling pagsasaayos ng mga importanteng controls nito (Light, BG colors, atbp). Walang elementong pang pre-render sa tanghalan ng video na ito, at wala ring karagdagang plugins na ginamit.


Ang Orbs at Strokes Logo Opening

Ang Orbs&StrokesLogoOpening isang progresibong panimulang logo animation gawa sa After Effects CS4 sa FULL HD (1920×1080)


Ang Particle Reveal

Ang Particle Reveal ay isang nakamamanghang panimula upang maipamalas ang logo ng iyong kumpanya.


Sunny Titles

Ang proyektong ito ay lubos na nababago. Lahat ng iyong nakikita ay gawa sa pangkaraniwang kakayahan ng After Effects. Mayroon kang laya upang baguhin ang kahit ano dito.


Ang "Follow The White Rabbit - Epic Style"

Ang Follow the White Rabbit ay isang matindi at mahabang proyekto na angkop na angkop para sa mga trailers ng pelikula, pagtatanghal, portpolyo, o bagong websites. Ito ay mabilis at kamangha-mangha.


Mga Pahina

Higit sa isang minuto ng kanais-nais na animation para sa iyong mga larawan, mensahe at logos, sa istilo ng isang babasahing panlibang, aklat o album na nasa 3D.


Grunge Template HD

Ang aking pinakabagong gawa ay ang Grunge Template. Ito ay perpekto para sa mga promosyong pangkumpanya o hindi kaya para sa isang photo album na may hanggang 8 placeholders. Walang plugins na kailangan.


Business People – Corporate Presentation

Ang sequence na ito ay nakatutok sa sektor na pangkorporasyon o saanman may mga tao, opisina o kompyuter ay pangunahing kadahilanan. Ito ay maaaring gamitin para sa pagtatanghal o isang panimula sa isang pagpupulong.


News Media Promo

Ang proyektong ito ay mainam para sa mga pagtatanghal na may parehong text at media. Maaari kang magdagdag ng sarili mong mga pelikula, imahe at text na walang kahirap-hirap. Ang kaalaman sa After Effects ay hindi kailangan. Isang pagtuturong video ang kasama sa pakete nito na nagpapaliwanag kung paano i-ayon sa kagustuhan ang proyektong ito.


LogoLight

Explosive Logo Animation sa isang lugar kung saan tila ang tema ay kalawakan. Ipasok ang iyong logo, baguhin ang text, at ika’y tapos na.


HD Graphics Package

Kahanga-hangang pasadyang title graphics. Ito ay isang ubod na napapasadyang AE CS3 file. May kasama itong PDF ng mga detalyadong hakbang. Dalawang comps ang gagamitin para sa isang ito. Lahat ay maaaring baguhin mula animation hanggang sa kulay, text, haba at anupamang pagbabago ang iyong naisin.


Mga Mirror

Isa pang mahusay na animation na puno ng potensyal, gamit, variable title at footage animations. Malaking tulong ito para sa iyong website o pagtatanghal sa opisina.


iShow

Isang buong minuto ng pusturiyosong 3D camera na pumaparoo’t pumaparito sa tabing na animated at masasalamin, kung saan maaari mong itanghal ang iyong mga larawan, videos, mensahe at logos.


Photo Clicks

Ang “Photo Clicks” ay isang photo sequence animation gawa sa After Effects CS3 sa Full HD(1920×1080)


Romeo at Juliet

Ngayon, hayaan ninyong itanghal ko ang proyektong Romeo & Juliet. Tamang-tama ito para sa inyong mga pelikula at pagtatanghal. Ang “Romeo at Juliet” ay mayroong dalawang AE-projects – Mga pelikulang pambukas at panimulang logo. Musika ay kasama!


White Corporate Showcase

Maganda ito para sa demonstrasyon ng produkto at para sa anumang uri ng gawaing pang-negosyo; sadyang ginawa itong maayos, makabago at payak.


Focal Media Pack

6 na kakaibang tema at napapasadyang animated sequences na may text, mga abstracts at pagkakahabi na nilaan para lamang sa iyo.


Ang 3D Logo Reveal

Ang 3D Logo Reveal ay isang panimulang logo animation gawa sa After Effects CS4 sa FULL HD (1920×1080)


Sports Motion

Isang mahusay na sports action sequence gawa sa After Effects CS3 sa HD (1280 X 720 px).


Hot Titles

Ang iniwastong proyekto ay nagawa gamit ang pangkaraniwang AE tools nang walang pakikilahok ng anumang third party plugins, at kinabibilangan ng PITONG pangunahing eksena – bawat isa ay madali mong baguhin ayon sa iyong pangangailangan.


Glorious

Isa pang mahusay na animation na puno ng potensyal, gamit, variable title at footage animations. Malaking tulong ito para sa iyong website o pagtatanghal sa opisina.


3D Laptop Animation Bundle

Tamang-tama para sa mga TV ads, patalastas, pagtatanghal at promosyon. Gamitin ang proyektong ito upang ipakita ang iyong mga media, video, larawan at portpolyo ng may kahanga-hanga at makatotohanang animation.


Elegant Business Template

Ang proyektong ito ay may kasamang payak ngunit mabisang panimula at pangwakas na title, kahali-halinang text sequence, 6 placeholders sa loob ng tatlong kategorya (maaaring dagdagan ng walang kahirap-hirap), 4 Client Main reference logo (maaaring dagdagan).


Fast and Effective Intro

Ang proyektong ito ay napakadaling pamatnugutan, kailangan mo lamang baguhin ang ilang PSD files sa Photoshop. Mayroong mga simpleng hakbang at pagtuturong nakalaan sa iyo sa help.txt file


SoBoxy

Ang SoBoxy ay ginawa upang matanghal mo ang iyong media sa payak, pusturiyoso at mahusay na pamamaraan. Ang mga placeholders para sa iyong media ay matatagpuan sa 3D studio, na may mga pulidong linya at malamlam na lilim. Ang mga imahe ay may modernong malasalaming anyo, kung saan iyong makikita kung paano ito ginawa.


Cinema Opening Sequence

Isang lubos na mahusay at mabusising panimulang title sequence sa isang lugar na tila kalawakan ang tema. 100% gawa sa After Effects. Madaling pamatnugutan, baguhin at i-render.


Paper text HD

Ito ay isang nakatutuwa at orihinal na proyekto, gawa gamit ang After Effects CS3 (gumagana rin sa CS4) na may 1280x720 na HD resolution. Hindi kailangan ng plugin. Mga tunog ay hindi kasama.


Ang Rhythm sa Motion

Ang Rhythm sa Motion ay isang ganap na 1:10 promo na may 14 imahe/video/text placeholders. After Effects CS4 sa HD 1280 X 720. Lahat ng bahagi nito ay maaaring baguhin sa loob ng After Effects ngunit hindi ang pre-rendered transition. I-type lamang ang iyong text, palitan ang mga imahe/videos, at baguhin ang logo at i-render.


Mayroon ka bang nais ibenta? Maging isang may-akda!

Ang mga may-akda sa Envato Marketplaces ay literal na sumusweldo ng libo-libong dolyar kada buwan. Ang pinakatanyag na may-akda ay kumikita ng mahigit sa $25,000 sa isang buwan. Oo, maaaring ang abilidad niya sa pagsulat ay hanggang sa panaginip na lamang makakamit ng marami sa atin, ngunit gayunman, ang pangkaraniwang may-akda ay maaari pa ring kumita ng malaki. Higit sa lahat, patuloy ang pagdaloy ng salapi, kahit ano pa man ang iyong ginagawa, kahit nasaan ka man. Kaya kung sa iyong palagay ay mayroon kang abilidad at kaalaman kung paano gumawa ng files gaya ng mga halimbawa sa sanaysay na ito, halina at maging isang may-akda!

Kailangan mo ba ng karagdagang tulong?

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong sa mga proyektong After Effects, subukang kumunsulta sa isa sa mga Pagpapasadya ng After Effects providers sa Envato Studio. Marami doong mga dalubhasang alok ay malawak na serbisyo sa After Effects. Kaya’t tingnan na ang mga alok, alamin ang ratings at reviews, ipadala ang iyong kahilingan, at hintaying malunasan ang iyong mga problema!

After Effects customization on Envato Studio
Pagpapasadya ng After Effects sa Envato Studio.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.